Abante Tonite
Mabilis sa Balita

C-Stan, Ginebra tinaob ang RoS

0 76

Mga laro ngayon (DHVSU, Bacolor)

2 pm – Phoenix vs. Terrafirma

4:35 pm – NorthPort vs. Blackwater

Sa pag-aalsa ni Christian Standhardinger, balik sa win-column ng PBA Philippine Cup ang Ginebra nang salagin ang balik ng Rain or Shine 83-79 sa tampok na laro sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor Miyerkoles ng gabi.

Nasilat sa Terrafirma noong Biyernes, nakabawi ang Gins tungo sa 3-3 card sa elims.

Mula sa 60-50 deficit, ilang beses dinikitan ng Elasto Painters ang batok ng defending champions pero laging may sagot sina LA Tenorio, Japeth Aguilar at Standhardinger.

Anim na Gin Kings ang umiskor ng 10 pataas sa pangunguna ng 16 ni Standhardinger. Tumapos ng 15 markers, 11 boards si Aguilar bago nilista ang 628th shot block ng career para sumampa sa 11th ng PBA all-time list. May 15 points din si Tenorio.

Napigil sa 4-4 ang Painters, pinamunuan ng 18 points ni Rey Nambatac.

Sa first game, dumaan sa double-overtime ang Magnolia bago naipagpag ang makulit na NLEX 112-105 sa double overtime.

Kinadama ni Ian Sangalang ang 6 sa kanyang 21 points sa pangalawang extra time para ihatid sa 7-2 record ang Hotshots.

Laglag sa 4-3 ang Road Warriors sa kabila ng 21 points ni Jericho Cruz.

At kinalsuhan ng San Miguel Beer ang six-game start ng TNT sa bisa ng 83-67 win sa likod ng 19 points ni Marcio Lassiter at 16 ni Terrence Romeo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.