Abante Tonite
Mabilis sa Balita

C-Stan makukuha likaw ng Ginebra

0 276

Madaling nakuha ni Stanley Pringle ang sistema ng Barangay Ginebra San Miguel pagdating niya sa team mula GlobalPort noong 2019.

Nagamay agad ni Pringle, 34, ang mga kakampi, nakuha ang samahang Never Say Die.

Naka-back-to-back titles agad siya sa 2019 Governors Cup at 2020 Philippine Cup.

“Stanley got the system quickly,” puna ni Tim Cone, via PBA website nitong isang araw. “He just had to learn to get the ball moving a little bit more than what he’s normally been used to and trusting the ball to comeback to him.”

Kaya tiwala ang Gin Kings coach na magiging madali rin kay Christian Standhardinger ang transition sa team.

Sina veterans Joe Devance, Mark Caguioa at LA Tenorio ang magwe-welcome sa newest addition ng crowd favorite.

Dumating sa Ginebra ang 6-foot-8 big man mula NorthPort sa one-on-one trade kay Greg Slaughter nitong Marso.

Konting tiyaga lang daw, makukuha rin agad ng 31-year-old, 6-foot-8 Fil-German forward/center ang likaw ng Ginebra.

“Christian has got to probably learn to kind of initiate our offense and be a little bit more patient than he normally is,” panapos wika ni Cone. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.