C-Stand buhay pa sa sariling grand slam

406

Nadiskaril na ang grand slam bid ng San Miguel Beer, pero ­buhay na buhay pa ang kay Christian ­Standhardinger.

Tapos ang paghahabol ng Beermen sa slam nang sipain ng Ginebra sa quarterfinals ng PBA Governors Cup.

Pero si Standhardinger, nakapalaot sa semifinals.

Kasama ang Fil-German sa SMB squad na sumikwat ng Philippine at Commissioner’s Cup titles, pero nitong Oktubre sa kalagitnaan ng season-ending conference ay nai-trade siya sa NorthPort.

Mula nang dumating si C-Stand, 5-2 ang Batang Pier at pumalaot sa semis tapos lusawin ang twice-to-beat ng top seed NLEX – huli ang classic 126-123 triple overtime victory nitong Miyerkoles.

Hahamunin ng Batang Pier ang Ginebra sa final four na magsisimula sa Disyembre 13 tapos ng SEA Games.

Napangiti pa si Standhardinger nang ipaalala sa kanya na buhay pa ang kanyang personal grand slam quest.

“I’m not thinking about it,” ­nakangiti niyang sabi paglabas sa dugout ng Smart Araneta Coliseum. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...