Abante Tonite Interactive

C-Stand ‘di bet mambuwaya

476

Wala sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter, idagdag si Raymond Almazan, at bumuka ang pagkakataon para sa ibang big men ng PBA na magdomina sa Philippine Cup.

Isa rito si Christian Standhardinger ng NorthPort, teammate ni Fajardo sa San Miguel Beer bago pina­migay sa Batang Pier noong October.

Natulungan ang Batang Pier na makarating hanggang semis ng Governors Cup, ang Fil-German pa ang tinanghal na Best Player of the Conference.

Out na buong season si Fajardo (shin), hindi rin magagamit ng Meralco si Almazan sa unang bahagi ng season-opening conference dahil sa knee injury. Ang 7-footer ng Ginebra na si Slaughter, nagdesis­yong tumalikod muna sa basketball.

Hindi sumagi sa isip ni Standhardinger ang dominasyon.

“For me, I’m just trying to play with my teammates, have a great chemistry,” giit ng 6-foot-8 bruiser.

Misyon lang aniya nila na makakuha ng panalo, sa kabila ng tingin niya ay underdogs pa rin ang Batang Pier sa pambungad na torneo ng 45th season.
“There’s Ginebra, Magnolia and TNT,” giit niya. “You cannot count out San Miguel with or without June Mar.?”

Uumpisahan ni Standhardinger at ng Batang Pier ang kayod sa pangalawang araw ng Philippine Cup eliminations sa main game mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Rematch agad ng NorthPort at NLEX sa isa sa best games ng nagdaang season nang umabot sa triple-overtime ang showdown nila sa Governors Cup quarters. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad