Abante Tonite Interactive

C-Stand ipinako na sa NorthPort

409

Tuluyang tinabunan ni NorthPort team owner Mikee Romero ang lahat ng mga ulat hinggil sa paglipat ng franchise player na si Christian Standhardinger sa iba team matapos itong makaisang komperensya na nang makuha buhat sa San Miguel Beer sa nakalipas na taon.

Sinabi kahapon ni Romero na ang Filipino-German big man ang magiging mukha na ng PBA franchise niya.

Napadpad si Standhardinger, ang 2017 top pick, sa Batang Pier sa trade sa SMB para kay Moala Tautuaa noong Oktubre.

Pero madalas na nababanggit sa trade ang kanyang pangalan na magtutulak sa kanya saliman sa Barangay Ginebra San Miguel o Magnolia Pambansang Manok.

Ipinaalam din ni Romero na si Standhardinger, na nag-2019 PBA Governors’ Cup Best Player of the Conference at Mythical First Team, na wala sa trading block.

“Bakit mo naman ite-trade? Hindi totoo ‘yun,” giit ni Romero sa bihirang pagkakataong pagdalo sa katatapos na PSA Awards Night sa Manila Hotel kung saan pinarangalan Philippine polo team na nakamedalyng tanso sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa nitong Disyembre.

Una nang sinabi ni Romero ang katulad na pahayag sa mga dati niyang franchise player na sina Terrence Romeo at Stanley Pringle. Pero kalauna’y nai-swap

“Siya ang face ng team, si Christian,” sabi ng team owner sa 6-foot-8 na naglaro din sa Gilas Pilipinas. “And he will remain as the face of NorthPort Batang Pier.” (Lito Oredo)