Abante Tonite Interactive

C1 Original movie ‘Metamorphosis’ X ang rating sa MTRCB

0 157

Pinatawan ng X rating ng MTRCB ang Cinemaone Originals entry movie na “Metamorphosis.” Ayon sa ahensiya, “not suitable for public exhibition” ang naturang pelikula.

Maselan ang tema ng pelikula na tumatalakay sa intersex, o yung taong may parehong ari ng lalaki at babae.

Nagrereklamo naman ang director nito na si Jose Tiglao. Sana man lang daw ay binigyan kahit R-18 man lang para maipalabas naman ang pelikula. Sa X rating kasi ay nangangahulugan ito na banned na ito sa alinmang cinema sa bansa.

“Ang mga eksenang ito ay hindi lamang purong kalibugan. Ito ay pagpapakita ng kanilang pagkatao, ng kanilang sexual desires, ng kanilang pagkalito at pagkabigo– mga bagay na pinagdadaanan nating LAHAT, intersex man o hindi,” ani Tiglao.

Susubukan umano nilang magputol ng ilang eksena sa “Metamorphosis” at muling ilalatag sa MTRCB upang maiapela itong maipalabas sa paparating na movie fest.

Post naman ni C1 Originals festival director at channel head Ronald Arguelles sa FB, “Na-X rated yong #METAMORPHOSIS ng MTRCB for #C1Originals Festival. Sana umabot pa sa Festival premiere. Haay!” (Jun Lopez)