Abante Tonite Interactive

CA Justice Ramon Hernando in-appoint ni Duterte sa SC

By
0 366

Ipinromote ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Asso­ciate Justice Ramon Paul Hernando sa Supreme Court (SC).

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Si Hernando, na kapwa taga-San Beda law school graduate ni Duterte ang ipinalit sa nabakanteng puwesto sa SC ni Ombudsman Sa­muel Martires.

Si Hernando ay kilala sa CA dahil sa kanyang zero backlog case kung saan may 417 kaso ang kanyang tinapos noong 2013 at 370 noong 2012.

Sa loob ng kanyang apat na taon sa tungkulin, nagawa niyang matapos ang 86.49 % na kanyang hinawakan.