Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cabagnot bumida agad sa balik-SMB

0 70

Nambulaga si San Miguel Beer coach Leo Austria nang ipasok sa lineup si Alex Cabagnot, pinagdiinan ng 38-year-old guard ang balik nang ibaon ang game winner 88-87 kontra NorthPort sa Game 1 ng PBA Philippine Cup best-of-three quarterfinals Linggo ng gabi.

Sa unang laro sa re-start ng conference mula left knee injury, nagpasabog si Cabagnot ng 20 points sa loob ng 22 minutes sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga .

Isinalpak ni Robert Bolick ang napakalayong step-back 3 sa midcourt, napuwersa ang 10th lead change 87-86 para sa Batang Pier.

Sa natitirang 5 seconds, kinuha ni Cabagnot ang inbound, inatake si Sydney Onwubere bago pinakawalan ang short jumper.

SM food to go Banner Ad

Nagdagdag si Mo Tautuaa ng 15 points, may 14 si CJ Perez sa Beermen. Tumapos si June Mar Fajardo ng 10 points at 11 rebounds, 9 at 11 kay Arwind Santos at 8 points, 9 assists si Marcio Lassiter.

Binitbit ng 16 points ni Sean Anthony ang NorthPort, sumegunda ng 15 markers at 10 boards si Greg Slaughter. Tumapos si Bolick ng 13 points.

Sa first game, puro na rin ang Magnolia Pambansang Manok sa semis nang salagin ang Rain or Shine 95-85 sa likod ng 20 points ni Paul Lee – 14 sa fourth.

Nagdagdag ng 19 points, 13 rebounds si Ian Sangalang sa Hotshots. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.