Abante Tonite Interactive

Cabagnot multa ng 20K sa pagsuntok kay Jazul

473

May pahabol na sagot na ang PBA sa paghihimutok ni Phoenix coach Louie Alas na hit ni San Miguel Beer point guard Alex Cabag­not kay RJ Jazul.

Sa second quarter ng 114-91 Game 4 loss ng Fuel Masters Martes nang gabi sa Cuneta Astrodome, nagbanggaan sina Cabagnot at Jazul. Tumama ang kamao ni Cabagnot sa maselang bahagi ni Jazul.

Ayon kina Alas at Jazul, dapat ay may pito ang referees, pinaka­mababa ay technical dahil sarado ang kamao ni Cabagnot. Suntok ang binigay niya.
Miyerkoles nang hapon, naglabas ng statement ang PBA pagkatapos i-review ng Technical Committee ang play ay nagdesisyon na Flagrant Foul 2 ang ginawa ni Cabagnot.

Dahil hindi tinawagan ng referee, sa mismong laro ay walang magawa ang Technical Committee para baligtarin ang desisyon ng game officials.
Gayunman, pinagmulta rin ng PBA Commissioner’s Office si Cabagnot ng P20,000 dahil sa ‘unsportsmanlike behavior’.

Kung sa mismong laro ay napituhan ng F2 si Cabagnot, awtomatiko na siyang ejected. Dahil wala, natapos niya ang laro.

“The present policy is that a referee’s call can be reviewed under certain circumstances. A non-call cannot be reviewed. The exception is the review of a goal tending violation. Moreover, the Technical Committee cannot, as a rule, substitute or override a referee’s decision,” paliwanag ng PBA.

Ang ‘dirty tricks’ daw na sadyang ginagawa ng players pero hindi nakita ng referees, hindi agad nadedesisyunan ng game official.

“The referees do not have the automatic bene­fit of a video review in the event of a non-call,” dagdag ng PBA.

Mandato ng Technical Committee na rebisahin ang calls at non-calls sa laro, kahit walang pormal na reklamo. Kaya hindi pa naipaparating sa liga ni Alas ang reklamo, nagbaba na ng desisyon ang PBA.

Sa laro pa ring ‘yun, binigyan ng tig-P5,000 fine sina Phoenix rookie Ron Dennison at Jaypee Mendoza dahil sa flagrant foul 1. Si Kelly Nabong ng SMB, pinagmulta ng P3,400 sa pang-apat na T ngayong conference.

Binagsakan din ng P2,600 fine si Alex Mallari ng Fuel Masters sa dalawang Ts na nagresulta sa kanyang ejection.

At sina Arwind Santos at Matt Ganuelas-Rosser ng SMB at Jason Perkins ng Phoenix, tig-P1,600 fine dahil sa pambubuyo.(Vladi Eduarte)