Abante Tonite Interactive

Cabagnot nag-review, kinabukasan rumampa

By
2,514

Pagkatapos ng 127-99 loss sa Ginebra noong Biyernes, maghapon kinabukasan na pinanood ng San Miguel Beer ang mga tape ng laro.

Pagkatapos ng ope­ning tipoff ng Game 2 sa Smart Araneta Coli­seum ng Linggo, nagliyab agad ang Beermen, lalo si Alex Cabagnot, hanggang itakbo ang tamba­kan ding 134-109 victory at itabla ang PBA Commissioner’s Cup Finals sa 1-1.

“We watched extensive films, and tried to make the right adjustments,” lahad ni Cabagnot matapos tumabo ng bagong career-high 33 points mula sa 5 for 11 shootin­g sa 3-point range, may 9 assists pa.

Sa isang yugto sa se­cond quarter, sa loob lang ng 60 seconds ay tatlong tres ang pi­nakawalan ng 35-anyos na Fil-Am guard para ilayo ang Beermen 67-41. Sa break lang, may 22 points na si Ca­bagnot.

Sa 127-99 loss ng SMB sa Game 1 ay may five points lang siya.

“Well, the shots just kept falling, I guess,” suma ni Cabagnot.

Ibinahagi pa niya ang paboritong advice na ibinibigay sa mga player ng UP kung saan isa siya sa assistant coach