Abante Tonite Interactive

Cabagnot, San Miguel pinulbos ang Phoenix

0 215

Inangkin ng nagtatanggol na kam­peong San Miguel Beer ang importanteng unang panalo subalit bago lamang nito lampasan ang matibay na Phoenix Pulse Fuel Masters sa paghugot sa 100-88 pagwawagi sa Game 1 ng sarili nitong best-of-seven semifinals series ng 2019 PBA Philippine Cup sa MOA Arena.

Itinala ng nagha­hangad sa ikalima nitong korona na Beermen ang pinakamalaking 24 puntos na abante, 73-49, sa ikatlong yugto subalit kinailangan na higpitan ang pagkapit kontra sa Fuel Masters upang masungkit ang isa sa kailangan nitong apat na panalo sa serye.

Ibinuhos ng Fuel Masters ang 15-2 pasabog sa pagsisimula ng ikaapat na yugto upang lumapit na lamang sa siyam na puntos pagkakaiwan, 74-83.
Nagawa pa nitong lumapit sa pitong puntos na lamang sa 82-89, su­balit kinapos sa oras tungo sa kabiguan.

Tatlong tres mula kina Alex Cabagnot, Chriss Ross at panghuli kay Arwind Santos na nagtulak sa 92-82 abante ang pumigil sa atake ng Phoenix. (Lito Oredo)