Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caballero, 3 pa mintis sa Olympics

0 169

Apektado sa sobrang lakas ng hangin at natapat pa agad sa astig na grupo sina Melcah Jen Caballero- Joanie Delgaco, at Roque Abala Jr. -Zuriel Sumintac para mabigo sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng pandemya sa parating na July 23-August 8.

Tumersera lang ang tambalan nina Caballero at Delgaco sa women’s double sculls event sa 8:14.30 clocking, samantalang nag-fourth place sa men’s double sculls ang pares nina Abala-Sumintac sa 7:39.35 sa 2021 Asia Oceania Continental Qualification Regatta sa Tokyo rin Huwebes.

Nasa balikat na lang ni Cris Nievarez, 20, ng Atimonan, Quezon at 2019 Philippine Southeast Asian Games gold medalist, ang pag-asa ng bansa nang bidahan ang men’s singles sculls repechage sa 11.40 seconds upang pumalaot sa 12-man two-heat semifinals ngayong Biyernes. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.