Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caballero lumakas tsansa sa Olympics

0 77

Bumuti ang pag-asa nina Melcah Jen Caballero at Joanie Delgaco para sa Asia Oceania Continental Qualifiers sa May 5-7 sa Tokyo, Japan makalipas ang respetadong pagtatapos sa 2021 World Indoor Rowing Championships nito lang linggo.

Lumagay ang Bikolanang 25 taon na si Caballero, double gold medalist sa PH 2019 Southeast Asian Games, na fourth place sa lightweight women’s 500 meters sa clocking na 1 minute at 38.1 seconds,

habang 10th si Delgaco sa women’s Under 23 500m sa 1:40.9.

SM food to go Banner Ad

Gold-silver-bronze sa event ni Caballero sina Anna Hughes-Davies ng Britain (1:36.6), Krimi Khadija ng Tunisia (1:37.3) at Rouba Amina ng Alegie (1:38.1), samantalang amayagpag sa nilaruan ni Delgaco si Briton Charlotte Dixon (1:31.9).

Ang Asia Oceania Continental Qualifiers ang tulay ng dalawang Pinay rower upang makahabol sa 32nd.

Summer Olympic Games 2020 na ni-reset sa parating na July 23-August 8 dahil sa pandemya sa Land of the Rising Sun din. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.