Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caballero sa sports summit

0 133

Bibigyang pansin ni Pilipinas Sepaktakraw Federation Inc. President Karen Tanchanco-Caballero ang ‘Women in the World of Sports’ sa online 17th session Philippine Sports Commission-National Sports Summit (PSC-NSS) 2021 sa Miyerkoles.

Isisiwalat ng deputy secretary general ng Philippine Olympic Committee (POC) at unang babaeng vice president ng International Sepaktakraw Federation (ISTAF) at ng Asian Sepaktakraw Federation (ASTAF), ang aktibong papel ng mga kababaihan sa kasalukuyang mundo sports.

Ibabahagi rin niya ang ginagampanan bilang isang sports leader at pagtataguyod sa adbokasiyang pantay na kasarian sa para sa pagpapaunlad ng sports at pangangasiwa sa mga programa para sa mga atleta.

Ipinarating naman Lunes ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang mahalagang papel sa parehas na kasarian sa sports conference. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.