Abante Tonite Interactive

Cabanag, Tankoua inihatag sa Beda ang ika-17 panalo

By
106

Standings W L
*SBU 17 1
*LPU 15 3
*CSJL 13 5
*UPHSD 11 7
CSB 10 8
SSC-R 6 12
MU 6 12
AU 5 13
EAC 4 14
JRU 3 15
*semifinalists
Mga laro sa Biyernes:
(FilOil Flying V Centre/San Juan)
8 a.m.- MU vs SBU (Final Four jrs)
10 a.m. CSB-LSGH vs JRU (Final Four jrs)
1:30 p.m.- LPU vs CSJL (Final Four srs)
4 p.m.- SBU vs UPHSD (Final Four srs)

Nagbabala ang two-time defending champion San Beda University sa Perpetual Help matapos lapain ang 80-72 panalo sa pagtatapos ng elimination round ng 94th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre.

Kumayod si Donald Tankou­a ng 23 points at 10 rebounds para itarak ang 17-1 karta ng Red Lions na haharapin muli sa semifinals ang biniktimang Altas.

Kahit pa natalo ang Mendiola-based squad San Beda ay mananatili sila sa tuktok ng team standings at Altas pa rin ang kanilang makakalaban sa semis.

May kartang 11-7 ang host Perpetual Help, nasa pang-apat sila at kailangan nilang talunin nang dalawang beses ang SBU para makapasok sa championship round.

Nakipagtulungan si T­ankoua kay graduating guard Jeramer Cabanag sa fourth upang sakmalin ang 25-14 bentahe at selyuhan ang 11th straight victory ng Red Lions.

At dahil huling laro ng San Beda sa 18-game elimination round ay sinalang ni head coach Boyet Fernande­z sa first five ang kanyang graduatin­g players sa sina Cabanag, R­obert Bolick, Javee Mocon, Ranbill Tongco at Jomari P­resbitero.

“It’s seniors’ day for us,” saad ni Fernandez.

Ang ibang sumampa sa Final Four ay ang No. 2 seed Lyceum of the Philippines (15-3) na makakatapat tangan ang sariling twice-to-beat edge ang No. 3 Letran (13-5).

Sa Biyernes ilalarga ang semifinals.

Nagwagi sa pangatlong laro ang College of Saint Benilde sa Knights, 94-81.