Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cabanos bet magsaliksik

0 356

Bookworm.

Aminado si F2 Logistics Cargo Movers star Alexine Danielle ‘Alex’ Cabanos na mahilig niyang magbasa ng mga libro.

Bukod sa pag-toss ng bola, minsa’y tutok ang Philippine SuperLiga (PSL) veteran sa pagsaliksik ng Griyegong kasaysayan.

SM food to go Banner Ad

“I love reading about Greek mythology,” share Huwebes ng 27-anyos, 5-6 ang taas na setter sa kanyang Instagram account story.

Makabuluhang pagkakataon naman ito sa dalaga para sa dagdagan pa kaalaman mula sa libro kahit nakatapos na ng kolehiyo habang dayoff pa rin sa pagba-volleyball dulot ng pandemya.

Sa susunod na buwan pa nakatakdang magbalik ang liga sa pamamagitan ng Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic tapos mapuwersang huminto noong Marso. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.