Abante Tonite Interactive

Cabinet member hilig mag-recycle ng regalo

227

Sino daw itong miyembro ng gabinete ang hilig mag-recycle ng regalo sa mga taong gustong mamasko sa kanya?

Nakarating sa impormasyon ng Tonite na kapag maliliit na item ang iniregalo sa kanya, ipinamimigay din niya ito sa mga taong bumibisita sa kanyang tanggapan.

Tulad ng sangkaterbang garapon ng mani na ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan.

Imbes na iuwi sa kanyang bahay, ipinamimigay niya ang garapon ng mani sa bawat bisita sa kanyang tanggapan.

Kahit matanda na ang bumisita sa kanya, ‘yun pa rin ang ibinigay niya imbes na bumunot sa kanyang bulsa.

Aba’y dapat sigurong mag-tandem itong cabinet member sa isang senador na mahilig namang magregalo ng kornik.

Clue: Ang Cabinet member na hilig mag-recycle ng regalo ay may alagang ahas na opisyal. May letrang ‘B’ sa kanyang pangalan as in Balato.