Abante Tonite Interactive

Cabinet member nag-walkout sa event dahil sa birada ng guest speaker

374

DEO MACALMA

Alam n’yo bang hindi lang pala si Pang. Duterte ang irita sa isang miyembro ng kanyang gabinete na mahilig bumida lalo na sa media pero kulang naman sa pakikinabangang gawa o output. Naku Sec. dumarami na pala ang hindi n’yo fans dahil apektado sila ng mga hindi n’yo inaaksyunan.

Isa sa mga yamot na kay Secretary ang mga opisyal at mi­yembro ng sektor na sapul nang husto ng importasyon ng sari-saring produkto na pinayagan ng ahens­yang pinamumunuan ni Mr. Kalihim. Kung wala nga namang tigil ang importasyon ng iba’t ibang produkto na pino-produce locally ng sektor na ito aba’y natural lang na mag-alala sila at mabanas kay Mr. Kalihim.

Kaaway nila siyempre ang anuman o sinumang kakampi ng mabigat nilang kompetensya, ganun lang ‘yun.

At ipinakita na ng malaking grupong ito ang kanilang pagkadismaya kay Mr. Kalihim sa isang okasyon kamakailan. Dumalo si Mr. Kalihim sa ma­laking pagtitipon ng sektor sa kilalang mall sa Pasay at naramdaman ni secretary na hindi s’ya welcome nang magtalumpati ang lider ng grupo at u­nang sigwada ay may mga patama agad ang speaker sa ahensya ni Sir at sa kanya.

Naku alam n’yo ba mga pare at mare, nag-walkout si Mr. Kalihim dahil hindi n’ya nagustuhan ang mga patama ng lider ng malaking grupo ng mga nag-aalaga at nagnenegosyo ng alagang hayop na paboritong ulamin ng Pinoy. Yes nag-walkout si Mr. Secretary at hindi na bu­malik resulta ng talumpati ng sectoral leader na naglabas ng galit sa walang tigil na importasyon.

Tinawag ng speaker ang ahensya ni Sir na Dep’t. of Importation.

Ang Mr. Kalihim na kahit ang boss n’yang si Pang. Duterte ay mainit na rin sa kanya dahil sa reklamo ng mga sektor na apektado ng importasyon ay si Secretary Walkout.