Abante Tonite Interactive

Cabinet member nagpasubo sa lady official

493

Natuldukan na ang maliligayang araw ng isang opis­yal ng gobyerno na appointee ng Malacañang makaraang pali­tan ng kanyang misis ang mga bodyguard nito.

Nahuli kasi itong opis­yal sa kanyang opisina habang nagsusu­buan ng pagkain kasama ang isang seksing na­ging opisyal din saglit sa gobyerno.

Hindi si misis ang personal na nakahuli, kundi ang biyenan nito na siyang nagsumbong sa kanya sa ‘moment’ ng asawa at magandang chiching.

Dahil dito, pinagdiskitahan ng misis ang mga security ng asawa at pinalitan lahat ang mga ito.

Balita kasing pinagtatakpan ng mga bodyguard ni sir ang kanyang mga ginagawang ‘extra curricular activity’ kaya kahit anong tanong ay walang mapiga ang magang misis.

Kaya ang siste, mga tauhan ng ama ni madam ang mga kinuhang bodyguard para sa asawang opis­yal at kasama sa trabaho ng mga ito ang mala-daily time record report na ibinibigay kay madam. Yari!

Ang opisyal ay walang record na nagbibilang ng girlfriend o kaya ay playboy dahil tahimik lang ito, pero tahimik pala at matinik!

Ang opisyal ay miyembro ng gabinete at isa sa may pinakamabigat na res­ponsibilidad sa gobyerno at sa mamamayan habang ang nahuling kasubuan nito ay minsan ding pinagpantasyahan ng maraming politiko dahil maganda at sexy pero may sabit na.

Clue: Ang opisyal ay isa sa mga madatung sa bansa habang si girl naman ay sexy and beautiful at hindi KJ! O gets niyo na? (Aileen Tali­ping)