Abante Tonite Interactive

Cabinet secretary kinutsaba sa baklas poster

382

Masipag daw magtrabaho ang isang miyembro ng gabinete ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte.

Kahit ano ang ipagawa sa kanya ng Pangulo ay nakakapag-deliver ito kaya naman bilib sa kanya ang Chief Executive.

Lingid sa kaalaman ng iba, may ginawang kalokohan pala itong cabinet secretary noong nakaraang halalan.

Aba’y kinutsaba daw ito ng isang senatorial candidate upang baklasin ang poster ng mga kalaban sa halalan.

Pinatupad daw sa maraming lugar sa bansa ang baklas poster kaya’t hindi nakapagtataka na nanalo sa nakaraang halalan ang kandidato.

Clue: Ang ca-binet secretary na kinu-tsaba sa baklas poster ay kila-lang mayaman at may letrang M sa kanyang pangalan as in Mapera.