Abante Tonite Interactive

Cabinet secretary nandudurog ng kamay

389

Mag-ingat sa pakikipagkamay sa isang cabinet secretary dahil baka madurog ang iyong kamay.

May kalakihan kasi ang kamay ng kalihim na halos katulad ni Thanos sa ‘Avengers: Endgame’.

Halatang babad sa gym ang kalihim kaya’t kapag nakipagkamay ito sa tao ay parang humahawak lang siya ng dumbbell.

May ilang tao ang napapaaray sa handshake kaya’t napipilitang mag-sorry ang kalihim dahil sa hindi naman niya sinasadya.

Kaya kapag may taong kinaiinisan ang kalihim, tiyak na madudurog ang kamay nito sa handshake pa lamang.

Clue: Ang kalihim na nandudurog ng kamay sa handshake ay mahilig din sa baril. May letrang G sa kanyang pangalan as in Garand.