Abante Tonite Interactive

Cabinet secretary sinabon ni Digong

898

Sino daw itong miyembro ng gabinete ang sinabon nang walang banlawan ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte?

Nagkaroon daw kasi ng alingasngas sa tanggapan ni Secretary kaya ganun na lamang ang galit ng Pangulo kahit na sabihing hindi siya ang nakinabang sa kinukuwestyong proyekto.

Ayon sa impormante ng Tonite, alam ni Secretary na magagalit sa kanya si Digong kaya ang tinawagan nito ay ang kanang kamay nito upang doon siya magpaliwanag.

Eh nagkataong katabi pala ng kanang kamay ang Pangulo kaya ipinasa niya dito ang cellphone.

Galit na galit daw ang Pangulo kay Secretary kaya mistulang natunaw na kandila si mokong kahit na sobra ang lamig sa kanyang tanggapan.

Nagpaliwanag pa daw sa Pangulo itong si Secretary na kesyo hindi raw niya alam ang sinasabing kontrata kahit na sa kanyang tanggapan bumagsak ang proyekto.

Lalo daw nagalit si Digong dahil sa paghuhugas-kamay ng kanyang cabinet member gayong malinaw pa sa ilaw ng bombilya ang dumi sa kanyang tanggapan.

Wala pang linaw kung sisibakin din ng Pa­ngulo sa kanyang gabinete itong nagmamaang-maangan na opisyal.

Clue: Ang cabinet member na sinabon ni Digong ay minsang natsismis na namigay daw ng dolyares. May letrang M sa kanyang pangalan as in Market. (Boyet Jadulco)