Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caboclo lumabag, sa quarantine bumagsak

0 394

Nagtatag ang NBA ng ‘anonymous tip line’ na magiging sumbungan ng players na lalabag sa mask at social distancing protocols sa Orlando.

Ang mga bubuwit, espiya, mata p’wedeng mag-tip ng violators para kastiguhin ng liga.

Staff at players, ineengganyong magbulong ng mga violator sa bubble. Ewan lang kung pati publiko.

“Some players have received warnings from violations, sources said, as league ensures social distancing and mask protocols on campus,” tweet ni Shams Charania ng The Athletic.

Mahigpit ang liga sa protocols habang inihahanda ang restart sa July 30 sa Disney World. Sina Bruno Caboclo ng Rockets at Richaun Holmes ng Kings pinag-restart sa quarantine matapos aksidenteng lumabag sa rules.

Si Brooklyn Nets guard Spencer Dinwiddie, may mensahe sa players na huwag gamitin ang aniya ay “snitch hotline.” Nasa restart din ang Nets pero hindi sumama sa Disney World si Dinwiddie.

Dahil nagagamit ang tip line, nakikisama ang players at staff dahil alam nilang kailangang seryosohin ang banta ng pandemic. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.