Abante Tonite Interactive

Cabral winarningan ni Acosta

By
2,509

Binalaan ni Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta si dating Health Secretary Esperanza Cabral na posibleng mapanagot siya sa batas dahil sa pagtatangka niyang pahintuin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa mga namatay na bata iniiugnay sa Dengvaxia.

Nabatid na maaari umanong kasuhan ng “Obstruction of justice” ang sinuman na magtatangkang hadlangan ang imbestigasyon dahil ang awtopsiya ay isinasagawa para malaman kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay partikular kung may pagdududa angmga kaanak ng namatay.

“Kung patuloy na hihirit sila na itigil (ang imbestigasyon) ay pwedeng makasuhan yang mga doctor na yan ng obstruction of justice kasi ang autopsy, ang purpose po ay malaman ang truth sa pagkamatay,” ayon kay Acosta.

Abante Hiring – IT dep

Tiniyak naman ni Acosta na ipagpapatuloy ng kanyang tanggapan ang imbestigasyon alinsunod sa kautusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

“Walang utos [na itigil]. Ang marching order niya ituloy lang ito, at nakausap ko na rin yung isang Usec kahapon ng DOJ, ang sabi nila ‘ituloy dahil may utos ang departamento’,” dagdag ni Acosta.

Una nang umapela si Cabral sa PAO na ihinto na ang isinasagawang awtopsiya dahil hindi dapat kaagad na inihahayag sa publiko ang resulta ng awtopsiya.(Juliet de Loza-Cudia)