WebClick Tracer

Caera Celis, Edz Escultura paspas pagwalis vs PSDM

ABANTE TONITE

Nagsilbing 1-2 punch sina Caera Celis at Edz Escultura ng St. John’s Institute-Bacolod sa pagkalos kontra guest team Perfect Set Dream Makers, 25-16, 25-15, para sa ikatlong sunod na panalo sa 4th Shakey’s Juniors National Invitationals noong Martes sa Playtime FilOil Arena sa San Juan.

Wala pa ring talo ang Falcons sa tatlong laro at lumapit sa pagkuha ng puwesto sa Final Four ng torneo na mga sinusuportahan ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R and B Milk Tea.

Nagtapos si Celis na may 11 puntos sa 7 kills at 4 aces upang pangunahan ang opensa ng SJI-Bacolod habang nagbigay ng sapat na suporta si Escultura na may siyam na puntos sa limang atake at apat na service winner.

“Masarap maglaro laban sa ibang mga koponan mula sa ibang mga bansa. Siyempre taga-ibang bansa sila kaya nag-a-adjust kami kasi iba ang sistema nila,” saad ni Escultura matapos ang mabilis na 52 minutong dominasyon ng Falcons laban sa California-based Dream Makers.

“Nagpapasalamat kami na nakalaban namin sila,” dagdag ni Escultura. (Lito Oredo)