Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cafgu, 3 pa tigok sa kalsada

0 65

Patay ang apat katao, kabilang ang isang kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Caf­gu), matapos masangkot sa magkahiwalay na road mishap sa Narvacan, Ilo­cos Sur at Batac City, Ilocos Norte kamakalawa.

Sa una, kinilala ng Ilocos Sur Police ang mga nasawi na sina Eduardo Pajimola, 32-anyos, isang miyembro ng Cafgu, ng Brgy. Silang, at Mark Mendell Verzola, 26, ng Poblacion, kapwa mula sa Sta. Maria.

Ayon sa pulisya, sina Pajimona at Verzola ay nasawi matapos sumal­pok ang kanilang mga minamanehong motor­siklo sa isang kotse na minamaneho ni Arvin Tenorio, 48, ng Pantay-Daya sa Brgy. Nanguneg East, Narvacan.

SM food to go Banner Ad

Nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan at ulo ang dalawang bik­tima. Dineklarang dead on arrival sa pagamutan si Verzola habang nasawi si Pajimola habang nilala­patan ng lunas.

Samantala, todas sina Ferdinand Ancheta, 49, hollowblock maker, ng Badoc; at Ronald Manglal-lan, 44, magsasaka ng Batac City matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang waiting shed sa national road sa Brgy. 35, Billoca sa Batac City.

Magkaangkas umano sila sa motorsiklo nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Ancheta at sa sobrang bilis ng takbo ay tuluyan silang sumalpok sa shed kaya nagtamo sila ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Allan Ber­gonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.