Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cafgu nanghingi ng litrato, tinodas

0 494

Patay ang isang miyembro ng Cafgu matapos pagbabarilin ng foreman sa isang construction site kahapon ng umaga sa Aurora, Zamboang del Sur.

Dead on the spot sanhi ng tinamong bala mula sa kalibre .45 baril sa ulo at dibdib si Jimmy Cane Laruscain, 43, Cafgu ng 53rd Infantry Battalion at taga-Purok Rubia, Bgy. Kahayagan ng nabatid na bayan.

SM food to go Banner Ad

Pinaghahanap naman ang suspek na si Nissan Tubigon Uba, 48, foreman sa ginagawang eskwelahan sa lugar.

Sa ulat ni Police Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, alas-5:45 ng umaga nang puntahan ng biktima sa construction site ang suspek sa Purok Lapu-Lapu, Barangay Commonwealth at pilit itong humihingi ng litrato sa huli.

Hindi naman sinabi sa ulat kung bakit kailangan ng biktima ang litrato ng suspek na hindi nagbigay dahilan upang magtalo ang dalawang lalaki na nauwi sa pamamaril sa Cafgu. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.