Abante Tonite Interactive

Cagayan balik-eskuwela na

356

Balik na sa normal ang klase sa buong lalawigan ng Cagayan matapos makaranas ng ilang araw na pagbaha sa nasabing lalawigan, ayon sa Cagayan Provincial Information Office (CPIO).

Ayon sa CPIO, binawi na ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang umiiral na suspensyon sa klase.

Sinabi ni Mamba na balik na rin sa trabaho ang mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor.

Ayon kay Mamba, base ito sa rekomendasyon ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO).

Sa pangkalahatang pagtaya ng PCCDRRMO, wala nang banta ng panganib kaya inirekomendang bawiin na ang umiiral na suspensyon.

Ipinaubaya naman na ni Mamba sa mga local chief executive o municipal mayor kung mananatili ang suspensyon sa kani-kanilang bayan lalo na sa mga lugar na may pagbaha pa. (Allan Bergonia)