Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cagayan de Oro binaha

0 64

BINAHA ang ilang mga lugar sa Cagayan de Oro City kasunod ng pagbuhos ng ulan, Martes ng gabi.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Barangay Cugman at Barangay Tablon.

Napilitang lumikas ang mga residente nang tumaas ang lebel ng tubig at pumasok sa mga bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umabot pa ng hanggang leeg ang lalim ng baha baha at hanggang paa naman sa bahagi ng national highway.

Agad kumilos at nagsagawa ng rescue operation ang barangay at ang staff ng Oro Rescue ng city disaster risk reduction management department.

Posibleng epekto umano ito ng low-pressure area na malapit sa Samar. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.