Abante Tonite Interactive

Cagayan lubog sa baha, Mamba nagpasaklolo

297

Humingi na ng tulong si Cagayan Gov. Ma­nuel Mamba sa national government dahil sa malawakang pagbaha sa kanilang prbobinsya na dulot ng amihan at tail end ng cold front.

Ayon kay Mamba, matapos ang dalawang linggong pananalasa ng magkasunod na bagyo ay muling isinailalim sa state of calamity ang nasabing lalawigan.

Sinabi ni Mamba, ito ay upang kagyat na mabigyan ng tulong ang mga apektadong pa­milya at makarekober sa pinsalang idinulot ng baha matapos umabot sa critical level ang Cagayan River.

Ayon kay Mamba, mas matindi ang pagba­hang nararanasan sa kasalukuyan kung saan malubhang apektado ang 22 bayan o halos buong lalawigan.

Sinabi pa ng gobernador na hindi pa naka­kabangon ang Cagayan sa pinsalang idinulot ng dalawang magkasunod na bagyo ay mas malubhang pinsala ang idudulot ng nararanasang malawakang pagbaha sa mga ari-arian, pana­nim, mga alagang hayop, at imprastraktura.

Aniya, suspendido pa rin ang trabaho at klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko o pribadong paaralan sa Cagayan maliban na lamang sa mga kawani na bahagi ng rescue ope­ration. (Allan Bergonia)