Abante Tonite Interactive

Cagayan mayor kinasuhan sa katiwalian

2,666

Naghain ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman ang 73-year-old na lola laban kay incumbent Alcala, Cagayan Mayor Crizelda Antonio kahapon.

Ito ay matapos umanong mabigong bayaran ni Antonio ang 1.2 hektaryang bahagi ng minanang lupain ni Lola Consuelo Orteza sa Sitio Racat, Barangay Rapuli, Sta. Ana, Cagayan na nagkakahalaga ng P10.5 milyon.

Sa isang press conference, ipinakita ni Orteza ang mga dokumento laban sa mayor matapos isampa ang demanda.

Abante Hiring – IT dep

Sa limang pahinang complaints affidavit, Pebrero 2016 nang umano’y gamitin ni Antonio ang mag-asawang Ofelia Alipio at mister na Belgian national na si Jarl Permentier para bilhin ang kanilang lupa na isang potential tourist spot sa halagang P10.5 milyon.

Natuklasan ni lola na ang totoo palang bumili ng lupa ay si Antonio batay na rin sa promisory note na pirmado mismo ng mayor na nakasaad ang pag-ako nito sa obligasyon at magbabayad noong katapusan ng buwan ng Marso 2017 pero hindi rin umano natupad.