Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cagayan naghahanda na kay ‘Kiko’

0 45

Naghahanda na ang Cagayan sa posibleng matinding hagupit ng bagyong ‘Kiko’ na inaasahang tatama sa kanilang probinsya.

Nakataas na ang red alert level at ikinasa na ang preemptive evacuation nitong Biyernes, ayon kay Governor Manuel Mamba.

Sinuspinde na rin ang pasok sa eskuwela at sa pamahalaan.

“We’re preparing for the worst. Sanay naman po kami sa supertyphoon. We’ve had two supertyphoons already, Ompong and Lawin… Naka-prepare naman po kami,” ani Mamba.

Samantala, sa pinakabagong abiso ng Pagasa, ang bagyong ‘Kiko’ ay huling namataan sa Tuguegarao City, Cagayan, kumikilos sa bilis na 20kph at taglay ang lakas ng hangin na 195kph at pagbugso na 240kph.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Island, habang Signal No. 2 naman sa Isabela at Apayao, at Signal No. 1 sa Ilocos Norte, Mountain Province, at Aurora.

Sa loob anila ng 24 oras ay palalakasin ng bagyo ang hanging habagat na siyang magdadala ng maraming pag-uulan.

Asahan ang malakas na ulan sa Cagayan, Batanes, at Isabela, dagdag ng Pagasa. (Kiko Cueto/Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.