Abante Tonite Interactive

Cage star supalpal kay sexy volleybelle

682

Perpekto sanang panimula ng mga matatangkad na lahi ang kanilang mga angkan kung natuloy ang relasyon ng dalawang prominenteng personahe na ito sa komunidad ng sports.

Kaya lang, tila napuwing at lumabo ang mata ni Kupido na patamaan sa puso ang dalawang atleta kaya sumablay at natakpan ang dapat na patunguhan ng kanyang mga palaso.

Lahi ng mga higante ang volleyball star, na kinuwento na niligawan siya dati ni basketball player.

Gayunman, ‘di pa nakaka-first base ay bigo na agad ang misyon ni Kupido dahil ‘di interesado ang higante at seksing volleyball player sa ilang beses na pahiwati at panunuyo ni basketball star.

Lehitimong binata naman at milyonaryo na ang basketbolista samantalang walang napapa-balitang karelasyon pa si volleyball star.

Kaya nga lang, ‘di pansin ni volleyball star ang mahusay ang sobrang husay ring cager.(Lito Oredo)