Abante Tonite Interactive

Caguioa 1 taon pa sa Ginebra

391

Todo ang pasasala­mat ni long-time Barangay Ginebra San Miguel guard Mark ‘The Spark’ Caguioa.

Maging sa kanyang Instagram ay hindi nagpaawat sa pag-thank you ang basketbolista partikular kina San Miguel Corporation President at CEO Ramon S. Ang at SMC Sports Director/BGSM board representative at team manager Alfrancis Chua.

Bakit nagpapasa­lamat?

Ito ay dahil sa isang taon pa niyang pagla­laro para sa Gin Kings sa pagbubukas sa susunod na buwan ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020.

@47markcaguioa: “I just wanna thank Boss RSA and Coach Al @alfrancischua for another year #NSD,” caption ni ‘MC47’ sa litratong kasama si Chua.

Nagsimulang maglaro ang 6-foot-1 guard para sa Gins taong 2001 pa at nagkamada na ito ng mga award, walong kampeonato, naging three-time Best Player of the Conference, at season MVP. (Aivan Episcope)