Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caguioa binura record nina Patrimonio, Carey

0 206

Clark Smart Giga City – Gumawa ng kasaysayan si Mark Caguioa nang maging first player sa PBA na naglaro sa kanyang 18th season sa iisang team.

Binura ng 40-year-old, 6-foot-1 shooting guard ang dating record na 17 straight seasons nina Alvin Patrimonio (Purefoods) at aktibo pang si Harvey Carey (TNT).

Hindi naalis sa Ginebra ang The Spark sapul nang maging third pick overall ng crowd darlings noong 2001. Kasama ang 2012 MVP sa walong kampeonato ng Gins.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matagal nang nakasabit ang sneakers ng mga nauna sa kanya sa draft order na sina Willie Miller at Mike Hrabak, kumikikig pa si Caguioa.

Kalagitnaan ng fourth quarter ng 105-91 win sa Meralco nitong Linggo sa Smart 5G-powered AUF gym, tinawag ni coach Tim Cone ang numero ni Caguioa.

Kumana ng vintage turnaround fadeaway jumper ang cager para ilista ang 2 points niya sa laro na sinahugan ng 2 rebounds sa loob ng 6:35. Nakakolekta na si Caguioa ng 10,073 total career points.

(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.