Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caguioa good vibes sa Ginebra

0 302

Kung si Tim Cone ang tatanungin, walang kapares ang halaga ni Philippine Basketball Association star Mark Caguioa para sa Barangay Ginebra San Miguel.

Ayon sa Gin Kings coach, sa edad na 41 malaki pa ang nabibigay ni ‘The Spark’ para sa fan favorite team kahit na hindi na ito madalas sumalang sa laro.

Aniya, ‘incredible leader’ si Caguioa, na nakuha ang respeto ng bawat manlalaro sa kanilang koponan.

“Mentors are really, really crucial to our success in our system. We have to have mentors. LA (Tenorio) has always been a great mentor even through his Alaska days. Joe (Devance) in his 11, 12 years with me has always mentored everybody,” litany ni Cone sa ‘Zoom In’ episode ng Spin.ph Huwebes.

“And Mark is also another mentor. There is so much value that he brings in terms of his leadership that if he doesn’t play a minute, he is still going to be extremely valuable to the team,” hirit pa ng 63-year-old, Oregon native American na residente ng ‘Pinas sapul noong 1989.

Dapat din aniyang pabayaan si Caguioa kung kailan niyang gustuhing magretiro at hindi siya pakikialaman sa kanyang personal na desisyon.

“He will tell us when he is ready to retire. We won’t retire him,” giit ni Cone, ang 23-time pro league champion bench tactician. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.