Abante Tonite Interactive

Caguioa inokray si Manuel sa pagretiro

‘INUNAHAN PA ‘KO!’

By
1 354

39-anyos na si Mark ‘The Spark’ Caguioa, 2001 unang sumalang sa PBA ngunit hanggang ngayon ay nanatiling isa sa inaasahan ng ­Barangay Ginebra.

Kaya sa biglaang pagreretiro ng kanyang kakampi sa Kings na si Jett Manuel, isang tanong ang namutawi kay Caguioa: Anyare?

Sa Instagram post ni Manuel kung saan nagpasalamat ito sa maikling pananatili sa PBA, nagkomento ang 2012 PBA MVP na naunahan pa umano ito ng 26-anyos na guwardiya.

Abante Hiring – IT dep

“Jet wtf i just landed lol ur reti­ring? Lol inunahan mo pako,” pabirong tanong ng 2001 Rookie of the Year na si Caguioa.

Humingi naman ng paumanhin si Manuel at nagpasalamat sa kinukun­sidera niyang isa sa ‘greatest of all time’ ng liga.

“Hahahahaha sorry Kuya. Thanks tho for everything. Learning from one of the goats was amazing. I’ll miss u slat!!!! Hahaha” ayon sa dating University of the Philippines stalwart.

Hindi na pumirma ng contract extension si Manuel, ibinigay na dahilan ang pagpopokus sa kanilang family business pati na rin ang pagsisimula ng karera sa kanyang pagiging civil engineer.