Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caguioa keribels kahit binabangko

0 385

HINDI alintana ni Mark Caguioa ang mawalan ng playing time, magmistulang cheerleader at mag-sakripisyo bilang pinakabeterano sa Barangay Ginebra upang makamit ng team ang PBA Philippine Cup bubble crown.

Mas madalas na tagapagsaya sa mga pagod na manlalaro pagkatapos ng kanilang mabigat na laban sa pagsagawa ng selfie, pangungulit at pagpapatawa, tanging iniisip ni Caguioa ang mapagsama-sama at mapagkaisa ang kanyang mga kakampi tungo sa pagsungkit sa inaasam nitong titulo.

“Kapag All-Filipino talagang makikita mo ‘yung chemistry,’ yung bonding,” sabi ni Caguioa, na tanging natitirang player ng Gin Kings na naging parte sa huling pagwawagi ng koponan sa All-Filipino Cup noong 2007.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ito ‘yung gusto naming mag-champion kasi All-Filipino. Usually kasi’ yung mga last championships namin, may tulong ng import, so mas ibang klase talaga pag All-Filipino,” sabi ng 41-anyos na naging 2012 MVP.

Madalas na nagpopost si Caguioa ng mga litrato ng koponan sa Instagram upang maalis nito ang hirap na mamuhay sa loob ng tinaguriang bubble.

“This one is really special dahil you’re in a bubble. Alam naman natin kung gaano kahirap sa bubble. Plus your away from your family,” sabi nito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.