Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caguioa magreretiro sa Barangay Ginebra

0 261

Isa si Mark Caguioa sa mga naging mukha ng Philippine Basketball Association pagpasok ng 2000s, at sa mga nakalipas na taon ay patuloy pa ring parte ng Barangay Ginebra San Miguel.

Maraming fan ang nagtatanong kung kailan nga ba balak ni ‘The Spark’ na magpahinga na sa pro basketball.

Sinagot ito ng kanyang agent na si Danny Espiritu, kung saan binahagi nito ang plano ni Caguioa sa kanyang retirement.

Sa panayam kay Espiritu sa ‘Zoom In’ ng Spin.ph Huwebes, sinabi niya na kung masusunod ang unang plano ni Caguioa, maaring ngayong taon dapat magretiro na ang 2012 PBA MVP.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang huling-huli naming pag-uusap tungkol sa retirement niya, sabi niya kapag na-reach na niya ‘yung 20 years niya sa PBA. Ngayon na ‘yun. ‘Yun ang sabi niya sa akin,” kwento ni Espiritu.

Ngunit nasabi rin sa kanya ni team governor/manager Alfrancis Chua na si Caguioa na ang bahalang magdesisyon kung gusto pang maglaro sa Ginebra.

Naka-18 season na ang 41-year-old, 6-foot-2 shooting guard sa liga lahat sa Gin Kings lang, nakasungkit ng siyam na kampeonato at napabilang din sa 40 Greatest Players. Siya’y 2001 first round pick, third overall. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.