Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caguioa mainitin ulo

0 105

Papasok na sa ika-19 na taon bilang Barangay Ginebra San Miguel player at malamang na magretiro na tapos ng 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup si Mark Anthony Caguioa.

Kaya may haka-haka na maari niyang pasukin ang pagiging coach sa hinaharap.

Deretsahan namang sinagot ng dating franchise player na ‘hindi’ sa panayam ng Spin.ph Lunes. “I’m not there yet. I’m not thinking about it.”

Ang dahilan, mainitin ang ulo ng 41-anyos, may 6-2 taas na shooting guard at nine-time pro league champion. Lalo na kung hindi natutupad ang gustong mangyari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I get so mad easily when things aren’t going right.”

Natanong na rin niya minsan si Gin KIngs assistant coach na si Rodericko Cesar ‘Olsen’ Racela sa pag-handle sa sitwasyon.

“I think I was just telling this to coach O (Olsen) and asking him, ‘How do you handle it?’”

Mas bet aniyang maglaro kesa humawak ng drawing board at magmando sa laro.

“Just enjoying every minute [of playing],” panapos ni Caguioa. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.