Abante Tonite Interactive

Caguioa problemado sa achilles

By
0 188

May “Achilles problem” si vete­ran guard Mark Caguioa kaya hindi nakalaro sa 85-67 victory ng Ginebra kontra Blackwater sa Petron Saturday Special ng PBA Philippine Cup sa Davao del Sur Coliseum sa Digos.

“For those fans who are asking, Mark has been bothered by an Achilles problem and has not been available to play,” kumpirmasyon ni Gin Kings coach Tim Cone sa Twitter pagkatapos umangat ng Gins sa 3-2.

Hindi nabanggit ni Cone kung saan nakuha ng dating MVP ang iniinda.

Hindi na naglaro ang The Spark sa 83-80 loss sa Rain or Shine noong Ene­ro 26 sa Calasiao, Pangasinan at sa 97-85 win ng Ginebra sa Columbian noong Peb. 2 sa Antipolo.

Wala pang kasiguruhan kung ka­ilan makakabalik si Caguioa, pero may ilang linggong makakarekober ang 39-anyos na 18-year veteran ­dahil sa PBA break bago muling sumalang ang Gins sa Marso 3 na kontra Alaska sa Ynares Center din.
Pagkatapos ng double-header sa Peb. 13, tigil-putukan muna ang liga para bigyang-daan ang final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“We’re hoping he’ll be ready after the break,” panapos ni Cone.