Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Caguioa sasabay sa PH Cup

0 131

Tiniyak ni Tim Cone na kahit wala na ang big man na si Greg Slaughter sa Barangay Ginebra San Miguel, tiwala sila sa kakayahan at bagong pasabog ni veteran Mark Caguioa.

Kwento ng 62-anyos na Gin Kings tactician nitong Linggo, todo-ensayo sa kasalukuyan ang franchise player na si ‘The Spark’ upang makasabay sa pagbabalik-aksyon ng PBA sa darating na Oktubre 11 sa Clark bubble.

SM food to go Banner Ad

“Mark is working hard along with his teammates to get himself in shape,” saad ni Cone na giniit na nanatiling solid ang crowd favorite.

“We are an intact team from the last championship back in January.”

Magiging magandang experience naman ito para sa bagong manlalaro ng Gin Kings na sina Jerrick Balanza, Kent Salado at Arvin Tolentino dahil magiging kasangga na nila ang beteranong si ‘MC47’. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.