Abante Tonite Interactive

Cagulangan kakapitan ng La Salle-Greenhills

242

Puntirya ng La Salle-Greenhills ang back-to-back title habang pakay ng Mapua na saluhan ang San Beda sa may pinakamaraming titulo pagharap nila sa do-or-die ng 94th NCAA juniors basketball tournament finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Rumebanse ang Red Robins mula sa 69-74 talo sa series opener noong Nobyembre 6, kinalos nila ang Junior Blazers, 85-76, sa Game 2 noong Martes kaya nakapuwersa sila ng deciding game ngayong alas-dos nang hapon.

May injury sa kaliwang tuhod si Clint Escamis kaya humugot ng lakas ang Mapua kina Dan Arches, Paolo Hernandez at Jonnel Policarpio upang makuha ang importanteng panalo at magkaroon ng tsansang sikwatin ang pang-22nd championship.

“The player knows we have to win without our best player and I’m so proud that the team stepped up big in Game Two to give us a chance at winning another championship,” saad ni Mapua coach Randy Alcantara.

Pangatlong Game 3 finals na ito ni Alcantara at ayon sa kanya natuto na siya sa pagkakamali nila nakaraang taon.

“We need to really play intelligently and keep away from foolish fouls that we committed last year,” ani Alcantara.

Kakapitan naman ng LSGH si Joel Cagulangan, ang last year’s Finals MVP at ngayon season MVP.