Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cahilig mala-Abuda – Cardel

0 62

Kakaibang sigla sa maagkabilang dulo ng court ang niladlad ni Philip Andreas Cahilig nang pasiritin ng Terrafirma ang Blackwater 96-84 sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup semi-bubble eliminations sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga Linggo ng gabi.

Si Andreas, talagang hardworking guy ‘yan. Parang Freddie Abuda nung araw. Kahit guwapo, nakikipagpalitan ng mukha ‘yan. I’m very happy to have him,” suma ni Dyip coach Johnedel Cardel sa 30-year-old, 6-foot-8 forward na hinambing sa dating player at ngayo’y Barangay Ginebra San Miguel assistant coach.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagmaneho si Cahilig ng mahalagang 12 points, 11 rebounds, 3 assists at 1 block sa 31:54 job sa tanaw-balik ni Cardel sa 11-year pro league journeyman na kila ring ‘The Scavenger’ at depensa ang pamatay na armas. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.