Abante Tonite Interactive

Caidic, SMB vs Duremdes, Alaska sa UNTV Cup finals

0 389

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
6 p.m. – Ginebra vs Purefoods
8 p.m. – Alaska vs San Miguel

Magkukrus ang landas ng dating magkaribal na San Miguel at Purefoods sa finals ng UNTV Cup Philippine Basketball Association Legends Faceoff nga­yong Lunes ng alas-8:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Namumuro ang San Miguel sa trono nang walisin ang eliminations sa four-team tournament at sa isang bigwas lang nadale sa crossover semifinals ang karibal sa torneong inorganisa ni UNTV President at CEO Daniel Razon sa pakikipagtulungan sa PBA Legends Foundation na hawak ni dating Crispa star Atoy Co.

Abante Hiring – IT dep

Pinadapa ng Beermen ang Milkmen, kinubra ang 76-71 elims win sa pangunguna ng limang tres ni ‘The Triggerman’ Allan Caidic.

Aabangan ang matchup ng dalawang dating perennial point guards na sina Johnny Abarrientos ng Alaska at Olsen Racela para sa San Miguel, ilan pa sa mga magpapakitang gilas ay sina Danny Seigle, Dondon Hontiveros at Nic Belasco para sa SMB, at Jojo Lastimosa, Kenneth Duremdes at Bong Hawkins ng Aces.

Samantala, Manila Clasico naman ang magiging tunggalian sa battle for third place para Ginebra at Purefoods na gaganapin alas-6:00 ng gabi.

Ayon kay Razon, aabot sa P2M ang papremyo rito, P1M para sa magkakampeon, P500K sa runner-up, P300K at P200K naman sa third and fourth placers, ang makukuhang cash prize na mapupunta sa Legends Foundation.

Libre ang general admission sa mga fan, dadaluhan din ni PBA Commissioner Willie Marcial ang torneo bilang pagsuporta sa mga dating PBA player. (Ray Mark Patriarca)