Abante Tonite Interactive

Caidic, SMB wawalisin ang UNTV prelims vs Ginebra

344

Sa pangunguna nina Allan Caidic at Danny Ildefonfso, target walisin ng San Miguel Beer ang UNTV Cup PBA Legends Faceoff prelims kung saan makakatapat sa Linggo, Hunyo 16 ang Ginebra sa ala-1:30 nang hapon sa Pasig City Sports Center.

Pananatilihin ng San Miguel ang malinis na 2-0 record at pangunguna sa liderato ng torneo, kung palarin kontra Gin Kings, saan makakaharap ng Beermen sa playoffs ang mangungulelat o No. 4 team tapos ng single round robin ng event na dinesenytuhan ng PBA Legends Foundation.

Magpapang-abot din sa araw na iyon ang Purefoods Hotdogs (0-2) ar Alaska Milk (1-1) sa alas-12 ng tanghali.

Ayon kay UNTV Pre­sident at CEO Dr. Daniel Razon, maghahandog siya ng tax-free P2M sa PBA Legends Foundation tapos ng torneo para matulungan ang mga nangangailangan ng tutlong pinansiyal ang ilang dating PBA players.

Nilasing ng Beermen ang Milkmen, 76-61, sa nakalipas na Linggo sa pangunguna ni 1990 MVP Allan Caidic na nilaklak lahat ang 15 points niya sa 3-point shots. Asahang bibida rin ulit para sa Beermen sina two-time MVP Danny Ildefonso, Kiko Adriano at Dondon Hontiveros.

Pero ‘di magiging madali ang laban dahil ga­ling din sa panalo ang Gin Kings, 100-83, pagpulutan sa Hotdogs na pinamunuan nina MPBL-bound Jayjay Helterbrand at Vince Hizon tagay na 28 at 25 markers. (Janiel Abby Toralba)