Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calabarzon may 10 bagong ambulansya

0 413

MULING namigay ang Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon) ng karagdagang 10 ambulansiya sa mga health facilities sa rehiyon bilang tugon sa kasalukuyang COVID 19 crisis at iba pang emergency na pangangailangan.

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo, layon nito na mabigyan ng tig-isang ambulansiya ang bawat pampublikong ospital dahil sa pangangailangan nito at bahagi ng pagbibigay ng serbisyong medikal sa komunidad.

“Marami ang mga pasyente na namamatay sa aksidente sa kalsada, sa biglang atake sa puso habang nasa bahay kasama na dito ang mga may malubhang sakit dahil walang ambulansya sa kanilang lugar,” ayon kay Janairo sa isinagawang turn-over ceremony sa Regional Office.

Kabilang sa mga recipients ng mga bagong ambulansiya ay ang Pagamutan Bayan ng Dasmarinas; General Mariano Alvarez RHU; Ospital ng Tagaytay; San Pedro Jose L. Amante Emergency Hospital’ Calamba City RHU (Main); Cardona RHU; Mabini RHU; Sariaya RHU; Quezon Medical Center; at Unisan Medicare Community Hospital. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.