Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calabarzon may 68 kaso ng tipus

0 198

Pinag- iingat ng Department of Health (DOH) regional office ang mga residente ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) makaraang makapagtala ng 68 kaso ng typhoid fever sa rehiyon.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ang mga residente na mag-praktis ng personal hygiene.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa DOH-Calabarzon, ang Laguna ang nakapagtala ng pinakamataas na insidente ng typhoid fever na may 30 kaso, kasunod ang Cavite, 26 ; Rizal, 6 at Batangas, isang kaso.

Gayunman, sinabi ng DOH na ito ay higit na.mababa noong nakalipas na taon sa kaparehas na petsa kung saan nakapagtala ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng 191 kaso,pero kailangan pa ring maging maingat ng mga mamamayan laban sa naturang nakamamatay na karamdaman. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.