Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Calamares pang happy hour sa haybol

0 144

Masarap at malutong na calamares, clam chowder soup at margarita ng alas tres ng hapon? Puwede ‘yan sa mga restaurants na nakalinya sa Shoreline Village sa Rainbow Harbor na nasa downtown Long Beach sa California.

Ngayong halos balik na sa normal ang buhay sa Amerika, dinadayo nang muli ang mga kainan sa Rainbow Harbor at Rainbow Marina na dati ay halos nalugi dahil sa pandemya.

Kapag gabi ay mayroon pang mga banda ang mga kainan para lalong sumaya ang kahabaan ng Rainbow Harbor and Marina na kung saan puwedeng pumarada ang mga recreational boaters at commercial operators.

Ang sikreto ng malutong at masarap na calamares – sariwang pusit na ibababad muna sa gatas ng isang oras bago pagugulungin sa arina. Sinasabing nakakapagpalambot ito ng laman ng pusit at mas matamis ito ng kaunti.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mayroon namang baking soda ang pinampapalambot sa calamari. Para sa bawat pound ng pusit na hiniwa, tunawin ang 1 kutsaritang baking soda sa tamang dami ng tubig na ipambabalot sa calamari. Labinlimang minute itong ibabad at saka hugasan at patuyuin ng paper towel.

Maaari ring gamiting pambabad ang bawang, ginadgad na balat ng lemon, rosemary at olive oil.

Sa pambalot sa calamares, maghalo ng 2 parte ng arina at 1 parte ng cornstarch at doon pagulungin ang pusit. Kaunting pagulong lang para hindi naman puro pambalot ang inyong calamares.

Sa pagprito naman, initin sa malakas na apoy ang vegetable oil at saka ilagay ang mga pusit. Bahagyang hinaan ang apoy. Lutuin ito sa loob lamang ng 2 minuto para hind imaging makunat at masunog. At ready na ang inyong fried calamares.

Leave A Reply

Your email address will not be published.