Abante Tonite Interactive

Calculator sa panaginip

DREAM CATCHER

475

Nanaginip po ako na may hawak akong calculator. Hindi ko na matandaan kung ano ang buong panaginip ko basta paggising ko ang calculator na hawak ko sa pana­ginip ang natandaan ko. Ano po ba ang sinisimbolo ng calculator?

Sa aktuwal na buhay, ang calculator ay ginagamit kung meron ta­yong kailangang kuwentahin kung merong gustong bilhin, pagkakagastusan at pagba-budget. Habang nagkukuwenta tayo gamit ang calculator, nakikita natin ang mga opsyon na natitira sa atin.

Halimbawang suweldo ang kinukuwenta natin, nakakalkula natin kung magkano pa ang matitira kapag ibinawas natin ang iba’t ibang bayarin. At base sa pagkukuwenta natin, naka­kabuo tayo ng plano kung ano ang puwedeng gawin para hindi tayo maging zero balance.

Kaya naman sa pana­ginip, ang calculator ay sumisimbolo rin para mag-calculate ng mga desisyon natin sa buhay.

Konektado ito sa pagtatantya ng mga desisyon at pagpaplanong kaila­ngan nating gawin sa aktuwal na buhay.

Related Posts

Ang panaginip tungkol sa calculator ay maituturing na positibong panaginip dahil ang paggamit ng calculator ay may kinalaman sa logic at kung nagiging logical ka sa paggawa ng mga desisyon sa buhay, mas naiiwasan ang mga aberya.
Masasabing ang calculator sa iyong panaginip ay indikasyon na importante sa iyo ang pagpaplano at bihira kang umaksyon nang agad-agad.

Ipinapakita lamang ng panaginip mo na mai­ngat ka sa pagdedesisyon at kaya mong isan­tabi ang emosyon kung sa tingin mo ay may ma­laking risk ang anumang gagawin mo.

Ang iyong panaginip kung bibigyan mo ng interpretasyon ay puwedeng indikasyon na may ikinokonsidera kang pagdedesisyon at tinitimpla ng isip mo kung ano ang nararapat.

Sa kabuuan, hindi masamang maging logical sa mayorya ng pagdedesisyon pero kung may kina­laman sa emosyon halimbawang sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, may pagkakataong kailangang isantabi ang logic at mas pakinggan ang ibinubulong ng iyong puso.

Anuman ang maging interpretasyon mo, alalahaning kailangan pa rin ang balanse: Kung ano ang sinasabi ng logic at kung ano ang tunay kailangan ng iyong puso.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.